Basahin ang Banal na Bibliya gamit ang aming libreng Bible app
Kabilang sa mga feature:
Bersyon ng Biblica New International sa Tagalog na maaaring basahin nang sabay-sabay o kada talata.
I-bookmark at i-highlight ang mga paborito mong talata, maglagay ng mga tala at maghanap ng mga salita sa app.
Mag-click at share ng mga talata ng Bibliya sa mga kaibigan mo.
Madaling pagbabasa sa Bibliya dahil sa nababagong laki ng teksto.
I-share ang app na ito sa iba na gustong magbasa ng Banal na Bibliya.
Makatutulong ang mga rating at review na mapaunlad namin ang app para sa mga taong gumagamit nito.
Kung mayroon kang anumang puna o katanungan, huwag mag-atubiling mag-email sa dev@biblica.com
Bible App ginawa at nalathala ng : Biblica
Ano ang Bibliya?
Ang Bibliya ay ang salaysay ng pagkilos ng Diyos sa mundo, at ang Kanyang layunin sa lahat ng mga nilikha. Nangyari ang pagsusulat ng Bibliya sa loob ng labing-anim na siglo at gawa ng mahigit na apatnapung tao. Ito ay isang kamangha-manghang koleksyon ng 66 aklat na may iba't ibang estilo, lahat naglalaman ng mensahe ng Diyos na nais Niyang ipabatid sa atin.
Ito ang pagsasama-sama ng mga booklet na naglalaman ng mga kagila-gilalas at iba-ibang estilong pampanitikan. Nagbibigay ito ng maraming kwento tungkol sa mga buhay ng mabubuti at masasamang tao, tungkol sa mga laban at paglalakbay, sa buhay ni Hesus, at sa mga unang aktibidad ng simbahan. Inihahatid ito sa atin sa mga salaysay at diyalogo, mga kawikaan at parabula, mga awit at alegorya, mga kasaysayan at propesiya.
Hindi karaniwang nasusulat ang mga salaysay sa Bibliya gaya ng pangyayari ng mga ito. Sa halip, mga pagsasaling-kwento na ibinahagi paglipas ng maraming taon, bago pa isulat sa kalaunan. Ngunit matatagpuan ang parehong tema sa buong aklat. Kabilang sa pagkakaiba-iba, mayroon ding kapansin-pansing pagkakatulad dito.
Kaya ano ang Bibliya? Dagdag sa lahat ng nasa itaas, ang Bibliya ay:
Isang gabay para mamuhay nang maluwalhati. Binibigyan tayo nito ng mapa para sa mapanganib na paglalakbay sa buhay. O sa ibang sabi, sa paglalayag natin sa karagatan ng buhay, ang Bibliya ang ating angkla.
Isang imbakan ng mga kahanga-hangang kwento para sa mga bata at matatanda. Naaalala n'yo ba ang arko ni Noe? Ang balutan ni Jose na maraming kulay? Daniel sa yungib ng mga leon? Jonas at ang isda? Ang mga talinhaga ni Jesus? Binibigyang-diin ng mga kwentong ito ang mga tagumpay at pagkabigo ng mga ordinaryong tao.
Isang kanlungan sa problema. Pinatototohanan ng mga taong nasasaktan, nagdurusa, nasa bilangguan, at nagluluksa na nagbibigay ng lakas ang paglapit sa Bibliya sa panahon ng desperasyon.
Isang kaban ng pananaw kung sino tayo. Hindi tayo mga robot na walang saysay, ngunit mga kahanga-hangang nilalang ng Diyos na nagmamahal sa atin at nagbibigay sa atin ng layunin at tadhana.
Isang manwal ng pang-araw-araw na pamumuhay. Dito natatagpuan ang pamantayan para sa ating pag-uugali, mga alituntunin para sa pag-alam ng tama sa mali, at mga prinsipyo na tutulong sa atin sa nalilitong lipunan na madalas "kahit ano na lang."